Secretary Francisco Duque and Former Secretary Janette Garin of Department of Health attends on the hearing proceedings today, February 05, 2017 on the roll call and determination of quorum on the case of Dengvaxia Vaccine Victims at the House of Representatives, Quezon City. (Kevin Tristan Espiritu)
Secretary Francisco Duque and Former Secretary Janette Garin of Department of Health attends on the hearing proceedings today, February 05, 2017 on the roll call and determination of quorum on the case of Dengvaxia Vaccine Victims at the House of Representatives, Quezon City. (Kevin Tristan Espiritu)

Ni MARY ANN SANTIAGO, at ulat ni Beth Camia

Tinanggihan ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur ang hiling ng Department of Health (DoH) na full refund sa P3.5 bilyon ipinambili ng pamahalaan ng Dengvaxia, para sa dengue immunization campaign na isinagawa bago mag-eleksiyon noong 2016.

Sa isang liham na ipinadala ng Sanofi Pasteur sa DoH, tinanggihan nito ang hiling ni Health Secretary Francisco Duque III na isaulin ng kumpanya ang buong halaga na ibinayad ng pamahalaan para sa Dengvaxia, at suportahan ang isang indemnification fund.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ayon sa Sanofi, kung papayag sila sa kagustuhan ng DoH ay mistulang inamin na nila na hindi epektibo ang Dengvaxia.

Nanindigan din ang kumpanya na nakatulong ang bakuna upang mabawasan ang mga kaso ng dengue na naitatala sa bansa.

“Agreeing to refund the used doses of Dengvaxia would imply that the vaccine is ineffective, which is not the case,” saad sa pahayag ng Sanofi. “The data remains quite clear that, in absolute terms, dengue vaccination in the Philippines will provide a net reduction in dengue disease, including severe dengue and, thereby, reduce the overall public health burden associated with this disease.”

HUGAS-KAMAY

Sa isyu naman ng indemnification fund, sinabi ng Sanofi na walang safety o quality concern sa Dengvaxia.

Inihalimbawa pa nito ang findings ng lokal na eksperto ng PGH Dengue Investigative Task Force na wala ang mga itong nakitang ebidensiya na direktang mag-uugnay sa Dengvaxia sa pagkamatay ng 14 na batang nabakunahan.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng kumpanya na handa itong akuin ang responsibilidad kung mayroong sapat at credible na scientific evidence na magpapatunay na ang Dengvaxia ang naging sanhi ng malalang dengue sa mga nabakunahan.

Siniguro rin ng Sanofi Pasteur na patuloy silang makikipagtulungan sa mga awtoridad, kabilang na sa DoH at sa iba pang health at community organizations, sa paghahanap ng pinakamainam na solusyon para matuldukan ang pagkalat ng sakit.

Patunay na, anila, rito ang pagpayag nilang i-reimburse ng DoH ang halaga ng mga bakuna na hindi pa nagagamit.

Matatandaang nagbigay na ang Sanofi sa DoH ng paunang refund na P1.16 bilyon para sa hindi nagamit na bakuna.

Nagbabala na rin naman si Duque na mapipilitan silang gumawa ng legal na hakbangin kung tatanggi ang Sanofi sa full refund at sa pagkakaroon ng indemnification fund.

KAKASUHAN NA

Kaugnay nito, inihayag ng Public Attorney’s Office (PAO) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na magsasama ang mga ito ng unang civil case sa mga responsable sa pagkamatay ng isang 10 taong gulang na babae, na naturukan ng Dengvaxia.

Posibleng pangunahan mismo ni PAO chief, Atty. Persida Rueda-Acosta ang paghahain ng kaso laban sa mga nanguna sa immunization program ng pamahalaan, habang Kasong administratibo naman ang isasampa ng VACC.

Sinasabing namatay sa pagdurugo matapos maturukan ng Dengvaxia si Anjelica Pestilos, residente sa Quezon City.

Samantala, tuluy-tuloy lang umano ang PAO sa pagsasagawa ng awtopsiya sa mga batang sinasabing namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, wala siyang planong ipahinto sa PAO at sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nasimulan nang imbestigasyon sa kaso, kahit hiniling na ng ilang eksperto na ipahinto ito.