Ni NORA CALDERON

MULING nag-renew ng exclusive contract si Marian Rivera sa GMA Network kahapon, with GMA top executives.

Kasama niya si Direk Mike Tuviera of APT Entertainment at Rams David ng Triple A Productions. Bago ginanap ang presscon proper, may audio-visual presentation na inihanda ang GMA na nagtatatampok kay Marian since pumasok siya sa network in 2007, ang evolution niya sa pagiging drama actress, host, comedy actress, mahusay na dancer, at sa pagiging top and trusted endorser at ang pangunguna sa kanyang personal advocacies.

MARIAN_ copy copy

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

“Parang gusto kong umiyak,” sabi ni Marian. “Maraming-maraming salamat na muli akong nag-sign ng contract at sabihing I’m proud to be a Kapuso.

“Kung may nabago ba sa bagong contract na pinirmahan ko, para sa aking management na lamang at sa GMA iyon. Basta next week, tiyak na tatawagan na nila ako para mag-usap kami sa bagong project na gagawin ko. Kahit po ano ang ibigay nilang project sa akin, hindi ko tatanggihan dahil minahal ko na ang GMA at hindi ko ito makakalimutan, forever kong tatanawin na utang na loob sa kanila dahil dito ako nagsimula at sila ang humubog sa akin, kung ano ako ngayon.”

Wala bang nag-offer na ibang network sa kanya?

“Hindi ko po alam, walang sinabi ang management ko, pero kung ako po, parang hindi ko maisip na aalis ako rito, siguro kahit ayaw na nila sa akin, hindi ko pa rin sila iiwan, dito lang ako. At wala rin akong reklamo kung ano ang gusto nilang ibigay na project sa akin, dahil alam ko na ang ibibigay nila, iyong makabubuti sa akin at sa network.

Unang-una po ay may anak na ako, kaya responsibilidad kong maging magandang ehemplo ako para sa aking anak at sa mga nanonood sa akin.”

May pregnancy clause ba sa bago niyang contract?

“Wala po, iyon po ang maganda sa GMA, hindi po nila ako pinagbawalan sa personal kong buhay. Kaya kung sakali po na magbuntis ako hindi problema. Kahit po gusto na namin ni Dong na masundan si Zia, nasa Panginoon pa rin iyon kung bibigyan Niya kami. Kung hindi pa naman, tuluy-tuloy ang trabaho.”

Iniiwasan ba niyang magtambal sila ni Dingdong sa isang project?

“Hindi naman, malay n’yo baka bigyan kami ng GMA ng sitcom. Pero para sa akin, maganda na rin iyong hindi kami magkasama sa isang project kasi magkasama na kami araw-araw sa bahay, ‘tapos sa trabaho magkasama pa rin. Mas healthy iyong may pag-uusapan kami kapag dumating kami sa bahay mula sa trabaho.

“Like ngayon, sabi ko nga muli akong bumalik. Kami ni Dong, back to reality, parang boyfriend-girlfriend, nagba-bar kaming dalawa, ini-enjoy ang mga moments na ganoon. Kasi si Zia, at three years old, marunong na siyang kumaing mag-isa, puwede ko na siyang iwanan, wala nang sepanx (separation anxiety) kapag umaalis ako ng bahay na tulad noong bata pa siya.”

Aminado si Marian na gusto rin niyang makagawa ng movie, si Dong daw ang nagsabi na mag-try siya ng indie films, iyong puwedeng isali sa Cinemalaya. Pero kailangan muna niyang kausapin si Mother Lily Monteverde dahil may exclusive contract pa siya sa Regal Films.

Malapit na ang Valentine’s Day kaya tinanong namin si Marian kung magbabakasyon sila, tulad ng kinagawian na nila.

“May three days getaway lang kami, kasama si Zia. Surprise sa akin ng asawa ko, hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Hindi kami p’wedeng magtagal dahil pareho kaming may iba pang commitments ni Dong. Gift ni Dong? Gift namin ang isa’t isa,” napahalakhak na sabi ni Primetime Queen ng Kapuso Network.