chess copy

NAKAPAGTALA si Rohanisah Jumangit-Buto ng anim na panalo at isang tabla tungo sa kabuuang 6.5 puntos sapat para magkampeon sa Sta. Maria Bulacan Town Fiesta 2018 Chess Challenge kiddies division nitong Linggo sa ICI Gymnasium, Marian Street, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Naibulsa ni Rohanisah ang top prize P2,500 plus trophy sa event na magkatuwang na inorganisa nina Eng’r. Norberto de Jesus at Franklin Tabao kung saan si National Master Nick Nisperos ng Bulacan ang nagbigay ng inspirational message sa mga batang kalahok.

Nakamit naman ng nakababatang kapatid na si Al Basher “Basty” Jumangit-Buto ang ika-2 puwesto tungo sa runner-up prize P1,500 sa one day Rapid chess tournament na 20 minuto plus 5 seconds delay ang format.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sina Rohanisah at Al Basher “Basty” Jumangit-Buto mula Maranaw tribe na tubong Marawi City ay suportado nina sportsman Wilfredo “Willy” Felix, Richard Quimo at Buenaobra family sa kanilang kampanya tungo sa titulo ng pinakabatang grandmaster master ng bansa.

Nanaig si Al Basher sa grupo ng 5.5 puntos dahil mataas ang kanyang tie break points. May tig 5.5 puntos din sina John Frederick Sunga, Daniel Mondares at Mark Benedict Caleon.

Nanguna naman si Jeremiah Luis Cruz sa grupo ng 5.0 puntos na kinabibilangan nina Mark John Baliwang, Jes Nino Matibay at Earl Lance Montion.

Ang mga nagwagi naman sa kani-kanilang kategorya ay sina Mark Benedict Caleon (Top Bulacan) at Manuel Norberto Maglunog (Top Sta. Maria).

Ang magkapatid na Buto na residente ng Village East, Executive Homes sa Cainta, Rizal ang kakatawan sa Rizal Province sa nalalapit na 2018 Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association (STCAA) Meet sa Peb. 11-17, 2018 sa San Pablo, Laguna.