Ni Reuters

SA isang pag-aaral, tinubuan ng tumor sa tissues sa paligid ng puso ang mga lalaking daga na inilantad sa napakataas na antas ng radiation mula sa cell phone, ayon sa draft report ng mga mananaliksik ng gobyerno ng Amerika, na nagsasaad ng posibleng panganib sa paggamit ng nasabing device.

Hindi nagkaroon ng tumor ang mga babaeng daga na inilantad sa parehong antas ng radiation, ayon sa paunang report mula sa National Toxicology Program (NTP), bahagi ng National Institute of Environmental Health Sciences.

Ang nadiskubre ay nakatulong sa ilang taon nang pananaliksik at nakapagbigay-daan kung nagdudulot nga ba ng panganib ang radiation mula sa cell phone.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kahit na nakaaalarma, hindi maaaring ihalintulad sa tao ang naging resulta ng pag-aaral, pahayag ng mga siyentista ng NTP at ng U.S. Food and Drug Administration (FDA). Sinabi nilang ang pag-aaral na isinagawa sa mga hayop ay nakadisenyo upang suriin ang pagkakalantad sa pinakadelikadong antas ng radiation sa cell phone, at ang kasalukuyang limitasyon ng radiation sa mga nasabing device ay protektado.

Gayunman, nagpahayag ng bagong katanungan ang dalawa, nagkakahalaga ng $25 milyon na dalawang pag-aaral — ang pinakakumprehensibong ebalwasyon ng mga epekto sa kalusugan, at pagkakalantad sa radiofrequency radiation sa mga daga—tungkol sa pagkakalantad sa nasabing device, na mahalagang gamit ngayon ng halos lahat ng tao sa mundo.

Sa mga pag-aaral, tinatayang anim na porsiyento ng lalaking daga na nalantad sa pinakamataas na antas ng radiation ng cell phone ang nagkaroon ng schwannomas—isang hindi pangkaraniwang uri ng tumor—sa nerve tissue malapit sa kanilang mga puso, samantalang walang schwannomas sa mga hayop na hindi nalantad sa radiation.

“The intriguing part of this is the kind of tumors we saw were similar to tumors noted for quite some time in some epidemiological studies in heavy duty cellphone users,” saad ni John Bucher, senior scientist ng NTP.