Ni Nitz Miralles

KASAMA ni Katrina Halili ang anak na si Katie sa presscon ng The Stepdaughters at habang ini-interview siya, naglalaro lang ito sa isang tabi ng function room ng Prime Hotel.

KATRINA copy copy

Ang five-year-old daughter ang sinabing rason ni Katrina kung bakit careful na siya sa pagpili ng lalaking muling mamahalin at si Katie rin ang rason kung bakit extra careful siya sa mga kilos at salita.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

“Lumalaki na siya at ayaw kong dumating ang araw na sumbatan niya ako o kaya lumapit siya sa akin at sabihing bakit ko ginawa ‘yun at bakit sa kanya bawal. Kami lang ng anak ko ang magkasama (although may mga kasama sila sa bahay), hanggang sa paglaki niya, ako ang makikita at makakasama niya. Kailangan kong maging role model sa kanya,” banggit ni Katrina.

Pero pagdating sa trabaho, walang masyadong nabago kay Katrina dahil tumatanggap pa rin siya ng kotrabida roles. Gaya na lang sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na The Stepdaughters na magpa-pilot sa February 12 pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. Magka-level sila ni Megan Young, mas lamang nga lang ang pagiging kontrabida niya.

“Kaya naman galit si Isabelle (karakter niya) kay Mayumi (Megan) dahil feeling niya, inagaw lahat ni Mayumi ang sa kanya. Grabe ang mga eksena namin, sabunutan, tarayan, sampalan at iba pang klase ng catfight. Sabi ng mga reporter, parang sa Ika-6 Na Utos ang catfight namin. Kung ‘yun ang tingin nila, maganda dahil hit ang soap na ‘yun at extended nga,” pahayag ni Katrina.

Medyo kabado si Katrina sa kissing scene nila ni Mikael Daez dahil ayaw na nga sana niya ng mga ganitong eksena. Pero dahil kailangan sa istorya, susunod siya sa script at kay Direk Paul Sta. Ana.

“Blessed na nga ako na sunud-sunod ang shows ko, mag-iinarte pa ba ako pagdating sa kissing scene? Hindi naman siya torrid dahil panghapon kami at nag-usap na kami ni Mikael. Naiintindihan niya ang concern ko na may anak na ako,” pagtatapos ni Katrina.