ELMO AT JANELLA copy copy

Ni LITO MAÑAGO

NILINAW ni Direk Perci Intalan na hindi musical ang Valentine release ng Regal Entertainment na My Fairy Tail Love Story kundi straight love story.

“Actually, hindi. Nu’ng nag-take over ako, may isang scene na pinalitan ko kasi ‘yung song narinig ko. Merong fan si Janella na nag-suggest ng kanta. Pinakinggan ko, nagustuhan ko sobra ‘yung kanta, so ‘yun ‘yung Be My Fairytale.

Human-Interest

'Pag di nakumpleto bakuna sa rabies, mawawalan ng bisa unang bakuna na nabigay—Doc Alvin

Hindi pa sikat ‘yung kanta, although kay Moira (de la Torre) ‘yan ah, dinefend ko kay Roselle (Monteverde), nagustuhan din ni Roselle ‘tapos in-adjust na namin ‘yung mga eksena kaya nagkaroon ng musical parts na wala sa original,” kuwento ng former TV5 executive, now a full-time movie director and producer.

“I would say, mga 10 or 20 percent lang,” dagdag eksplinasyon ni Direk Perci. “Hindi naman ito full-load musical. Magugulat na lang ‘yung tao kasi may mga part na kumakanta siya. Kanta na... kasi nu’ng naging sirena siya, kumakanta na siya, eh. Pero wala kaming song talaga until I heard Be My Fairytale.”

Sinalo ni Direk Perci ang pagdidirihe ng My Fairy Tail Love Story mula kay Direk Jun Lana nang maging busy ito sa iba pang mga proyekto ng The Idea First Company.

“Hindi ako nahirapan kasi nu’ng nagso-shoot na ito sa Zambales with Jun, sumama ako. Kaya medyo alam ko... ‘tsaka nu’ng ginagawa ‘yung script nito last year, ako ‘yung ka-brainstorm ni Jun kasi sabi niya gusto raw niyang gumawa ng sirena na movie ‘tapos gusto niya mala-Disney, so ako ‘yung parang nagbigay ng suggestions,” wika ni Direk Perci.

“Kaya finally nu’ng nagkakaproblema sa schedule, may danger na hindi pa matuluy-tuloy, nu’ng nag-usap kami na parang ako ‘yung sasalo parang mas madali na kasi kabisado ko na ‘yung material ‘tapos nu’ng sa akin kasi dikit-dikit na ‘yung shooting days, eh. So once nag-start ako, medyo nakahabol na ako ng momentum.”

Wala silang na-encounter na problema sa location. Nilinaw din niyang hindi nakialam ang nanay ni Janella Salvador habang ginagawa nila ang pelikula.

“Hindi naman nagpunta si Jenine (Desiderio) at all. Wala akong naging problema. Ang problema lang naming major, schedule talaga,” paglilinaw ng partner ni Direk Jun.

Napakaganda ng komento ni Direk Perci sa akting ng ElNella love team.

“Alam mo, ang galing nila,” sambit niya. “Ang committed nila. Kapag napanood ninyo ang pelikula, doon sa mga underwater scene kasi ang lalim ng sisid ni Janella. Wala siyang takot na... talagang hanggang sa ilalim ang punta niya.”

“The whole time na si Janella nagsisirena, itong si Elmo kasi nag-training din siya, ang test ko diyan, eh, nu’ng nasa gitna kami ng tubig puwede silang bumalik sa boat kaso matatagalan. So, instead na bumalik, naka-floater lang sila roon, nakababad kaya nga nangitim si Janella. Buong araw, nasa tubig. Ang galing. Walang kiyeme. Walang kaarte-arte,” lahat ni Direk Perci.

Ang My Fairy Tail Love Story ay mula sa Regal Entertainment at nakatakdang ipalalabas sa February 14. Kasama rin sa pelikula sina Kiko Estrada, Kiray Celis at maraming iba pa.