PYEONGCHANG, South Korea (AP) — Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) nitong Lunes (Martes sa Manila) ang kahilingan ng 15 Russians athlete na naabsuwelto ng Court of Arbitration for Sport sa kasong ‘doping’ para maimbitahan sa Pyeongchang Winter Games.

Ang 15 atleta -- 13 active athletes at dalawang retirado at kabilang sa coaching staff – ay kasama sa 28 atleta na nagwagi sa kanilang apela sa CAS at binawi ang naunang desisyon na ‘doping ban’ nitong Huwebes. Nanatili naman ang ban sa nalalabing 11 Russian athletes.

Kinondena ni Russia Prime Minister Dmitry Medvedev ang naging desisyon ng IOC at inilarawan ito na “shameful.”

“This decision is unfair, unlawful, amoral and politically charged,” pahayag ni Medvedev sa kanyang Facebook account.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa IOC, hindi naisama sa imbestigasyon ng CAS ang mga bagong ebidensiya laban sa mga nasangkot na Russian athletes. Ipinagdiinan naman ng Kremlin na ang desisyon ng CAS ay... nararapat lamang tanggapin ng IOC at tanggapin ang mga atleta bilang mga kalahok.

“We very much regret it. We expected that the CAS decision would dispel all suspicions against the athletes,” sambit ni Russian President Vladimir Putin, sa mensaheng binasa ni spokesman Dmitry Peskov. “We’re convinced that the CAS ruling has proved that such suspicions had no grounds.”

Sa opisyal na pahayag ng IOC, iginiit nito na hindi klaro ang naging desisyon ng CAS dahil “the full reasoning for these decisions had not been made public”.

“The decision of the CAS had not lifted the suspicion of doping, or given the panel sufficient confidence to recommend ... those 13 athletes could be considered as clean,” ayon sa IOC.

Hindi pinangalanan ng IOC ang 13 Russian athletes, ngunit sinabi ng Russian officials na kabilang dito sina two gold-medal winners sa 2014 Sochi Olympics na sina cross-country skier Alexander Legkov and skeleton racer Alexander Tretiakov.