Manipis ang tsansang magkaroon ng bagyo ngunit patuloy na iiral ang amihan at tail-end ng cold front ngayong linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Mamamayani ang amihan sa Luzon at maraming bahagi ng Visayas, habang patuloy na maaapektuhan ng tail-end ng cold front ang hilaga at silangan ng Luzon ngayong Lunes.

Sinabi ng PAGASA na makararanas ng pag-ambon at kalat-kalat na ulan ang Northern Luzon, Isabela at Aurora.

Magkakaroon naman ng kalat-kalat na ulan at pagkulog at pagkidlat ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, gayundin ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. - Ellalyn De Vera-Ruiz

Musika at Kanta

‘Goodbye, Contestant No. 59:’ Pinay singer, Gwyn Dorado, grateful sa pagtatapos ng kaniyang ‘Sing Again 4’ journey