Ni Lyka Manalo

TANAUAN CITY, Batangas - Nanawagan kahapon si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili sa mga kinauukulan na paigtingin pa ang implementasyon ng police visibility sa kanilang lugar upang masawata ang krimen, kaugnay na rin ng sunud-sunod na insidente ng pamamaril sa lungsod nitong nakaraang linggo.

Pinagbatayan ni Halili sa kanyang panawagan ang naitalang tatlong shooting incident sa loob ng lamang ng isang

linggo, kabilang na ang pamamaslang kina Jocelyn Vergara nitong Enero 25 sa Barangay Natatas; at Reynaldo Dela Cueva, empleyado ng city hall, na pinagbabaril sa Bgy. Darasa nitong Enero 27. Bukod pa ito sa pamamaril sa loob ng isang videoke bar sa Bgy. Poblacion 7 nitong Enero 28.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakaaalarma, aniya, ang nabanggit na mga insidente na maaaring magresulta sa pagkasira ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

“I already talked with the chief of police. (I) was advised that at present we only have 89 police personnel. We used to have 125. Even our SWAT members have been reduced down to 6 from 20,” himutok ng alkalde.

Matatandaang Mayo 2017 nang inilipat sa lalawigan ng Rizal ang mga tauhan ng Tanauan City Police bilang bahagi ng pagpapaigting sa kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad at ilegal na droga.

Nobyembre ng nakalipas na taon nang binawi ng National Police Commission (Napolcom) ang police power ni Halili at ng iba pang alkalde, kasabay ng pagtatanggal sa mga tauhan ng Tanauan Police, dahil umano sa illegal drug trade.