Mike Nzeusseu ng Zark' Jawbreakers - LPU  (PBA Images)
Mike Nzeusseu ng Zark' Jawbreakers - LPU (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Pasig City Sports Center )

2:00 n.h. -- Zark’s Burger-Lyceum vs Wangs -Letran

4:00 n.h. -- JRU vs University of Perpetual

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

ITATAYA ng Wang’s-Letran ang kanilang pangingibabaw habang tatangkain ng Zark's Burger -Lyceum na palawigin ang kanilang winning streak sa pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Namumuno sa kasalukuyan ang Couriers taglay ang malinis na markang 2-0, kasalo ng Jose Rizal University habang hindi naman nalalayo sa kanila ang Jawbreakers na matapos mabigo noong opening day ay nagtala ng tatlong sunod na tagumpay.

Maghaharap ang dalawang koponan sa pambungad na laro ganap na 2:00 ng hapon ng nakatakdang double header na susundan ng tampok na salpukan sa pagitan ng Heavy Bombers at University of Perpetual Help ganap na 4:00 ng hapon.

Unti -unti ng nakapag -adjust sa lebel ng laro sa liga, nangako si Jawbreakers coach Topex Robinson na paghahandaan nila ng husto bawat laban at sisikaping mahigitan ang mga nagdaan nilang performance.

Para naman kay Couriers coach Jeff Napa, sisikapin nilang makabawi sa dalawang kabiguang nalasap sa kamay ng Lyceum na siyang kumakatawan at ka-tie-up ng Zark ‘’s sa nakaraang NCAA Season.

Sa tampok na laban, magtatangka din ang Heavy Bombers na manatiling nangingibabaw sa pagpuntirya ng ikatlong sunod nilang tagumpay kontra Altas na hangad namang makapagtala ng back to back wins.

Huling tinalo ng tropa ng pinakabatang mentor ng liga na si Gio Lasquety ang Go for Gold -St. Benilde habang nagwagi naman ang Altas para sa unang panalo ni coach Frankie Lim bilang bago nilang mentor ang AMA Online Education. - Marivic Awitan