Minamadali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng 333 pansamantalang palikuran na may paliguan sa 56 evacuation centers para sa mga bakwit na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, habang sinusubaybayan ang mga kampo ng Daraga, Albay.
Sa ulat ni DPWH Region 5 Director Danilo Versola, tutugunan ng agarang pagtatayo ng mga banyo ang pangangailangan para sa kalinisan at sanitasyon ng Mayon Volcano evacuees na pansamantalang naglalagi sa mga evacuation camp. - Mina Navarro