ni Marivic Awitan

Jared Lao
Jared Lao
MASUNDAN ang nagawa ng nakatatandang kapatid na si Jacob Lao na tulungang mabigyan ng kampeonato ang La Salle Greenhills sa NCAA ang hangad ng kanyang bunsong kapatid na si Frans Jared Lao.

“The plan is to win another championship for La Salle in the NCAA, “ wika ng incoming Grade 12 guard na si Lao.

Bagama’t maituturing na isa sa pinakamaliit na manlalaro sa kanyang taas na 5-foot -6, marami ang pinahanga ng nagtapos na ng senior high school na si Jacob dahil sa kanyang ipinakitang tapang at tibay sa depensa na naging malaking bahagi para makamit ng Greenies ang kanilang unang NCAA juniors basketball crown noong nakaraang Season 93.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang nasabing katangian na walang sinisino sa depensa ang gustong gayahin ni Jared sa nakatakda niyang pagsalang sa darating na NCAA Season.

“I’ll try to do the same thing that he did lalo sa defense kasi yun yung specialty niya, “ sambit ni Jared.

Tiwala naman ang kanyang kapatid na kaya niya ito dahil naniniwala syang mas magaling ito at malaki ang potensyal.

“Higitan niya yung nagawa ko sa team kasi mas malaki yung potensyal nya as I can see.To be honest mas magaling siya sa akin so gusto kong higitan niya yung nagawa I para tulungang mag champion ulit ang LSGH. “

Bagama’t hindi taglay ang tinatawag na “might” of taas na kadalasang nakikita sa mga basketball players sa height nitong 5-foot-10, naniniwala ang dating coach ng magkapatid na si Anton Brodett na malayo ang mararating ng dalawa sa kahit anong larangan na kanilang piliin dahil sa taglay nilang disiplina.

“They are fighters. Maybe lamang ang isa sa height but the thing is they pay attention sa details at makikita mo they really want to learn,” ani Brodett. “Jared’s very disciplined. Regardless what they want to do after college they’ll do well because they ‘re very disciplined. “

Dahil dito, isa si Lao sa inaasahang makakatulong ng mga ace players ng Greenies ni coach Marvin Bienvenida para sa kanilang title -retention bid.