Maghahain ngayong Lunes si Senador Antonio Trillanes IV ng resolusyon upang pormal na imbestigahan ng Senado ang “ill gotten wealth” o nakaw na yaman ni Pangulong Duterte, kasunod ng paghahamon ng hulin na imbestigahan siya.

Abril 2016 nang nagsampa si Trillanes ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman laban kay Duterte, na noon ay kandidato pa lang sa pagkapangulo.

“I am accepting President Duterte’s challenge to investigate his alleged ill-gotten wealth to once and for all reveal the truth on this issue. The public wants to know the truth and it’s in the hands of the Senate to uncover it,” ani Trillanes.

Nakasaad sa panukalang resolusyon ng senador na tingnan ang mga bank account sa ilalim ng pangalan nina Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na nagpapatunay umanong mayroong lampas sa P500,000 ang nakatagong transaksiyon, na paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Human-Interest

Pinay na tumulong sa estranghero, nakatanggap ng higit ₱2.9 milyon!

Aniya, kailangang sagutin ito ni Pangulong Duterte, huwag lokohin ang sambayanan, at higit sa lahat ay lagdaan ang “waiver” para magkaalaman na.

“President Duterte must address this issue squarely once and for all and stop fooling the Filipino people. If he has nothing to hide, he should bare it all and sign the waiver. On the contrary, he has been dilly-dallying in his statements, and instead has been bluffing the people by publicly ordering AMLC to investigate his alleged bank accounts, although we all know that AMLC would not do it unless he signs a waiver on bank secrecy,” ani Trillanes.

Iginiit ng senador na bagamat patuloy na itinatanggi ng Pangulo ang mga akusasyon ay ipinasuspinde naman nito nang 90 araw si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang, sa bintang na ang huli ang nagpalabas ng mga dokumento ng Presidente.

Nakasaad din sa resolusyon ng senador ang hindi umano paglalahad ng totoo ni Duterte-Carpio sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito, na lampas sa P100 milyon. - Leonel M. Abasola