Para sa Malacañang, patunay sa tagumpay ng administrasyong Duterte ang resulta ng huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagtala ng record-low 6.1 porsiyento ng mga pamilyang Pilipino na nagsabing sila ay naging biktima ng mga krimen noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang resulta ng survey, na sumasalamin sa sentimiyento ng publiko, ay tiyak na magpapalakas ng morale ng mga pulis at militar sa bansa.

“These survey findings, which reflect the sentiment of the public, is a clear validation of the success of the Duterte administration’s anti-crime and anti-drug campaign where residents of Metro Manila feel safer in the streets because of fewer addicts in the neighborhoods. This survey is thus a big boost to the morale of our policemen,” ani Roque.

“We vow to continue our efforts to maintain a crime-free community and we extend our thanks to the community for their unrelenting support,” dagdag niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Batay sa survey na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16 noong nakaraang taon, nasa 7.6% o 1.7 milyong pamilya ang naging biktima ng pisikal na karahasan, pagnanakaw, pandurukot, o carnapping sa nakalipas na anim na buwan.

Ipinaliwanag ng SWS na kahit na ang mga numero ay 1.5 percentage points na mas mataas kaysa naitala noong Setyembre, 2017 survey, ang lumutang na annual average ay nagtala pa rin ng 6.1% pagbaba para sa nakalipas na taon.

“Due to the record-low 3.7% quarterly victimization rate in June 2017, the resulting annual average victimization by any of the common crimes for 2017 was a record-low 6.1%,” saad sa pahayag ng SWS.

Ang dating record-low annual average, 6.8%, ay naitala noong 2015. - Argyll Cyrus B. Geducos