Ipinahayag ng gobyerno ng Czech Republic ang approval ng 1,000 trabahong magbubukas para sa mga kuwalipikadong Pilipino bilang bahagi ng three-country expansion nito para sa mga banyagang manggagawa.

Sinabi ni Philippine Embassy Charge d’ affaires Jed Dayang na ang approval ay personal na ipinaabot sa kanya ni Czech Prime Minister Andrej Babiš sa isang diplomatic event sa Prague noong nakaraang linggo.

Kaagad itong sinundan ng official announcement mula sa Czech government, na nagbibigay ng labor quota sa mga manggagawa mula Pilipinas, Mongolia, at Ukraine.

Sa kanyang website, sinabi ng Czech government na naglalaan sila ng 1,000 quota para sa Pilipinas, 1,000 sa Mongolia, at 10,000 sa Ukraine na pangunahing pinanggagalingan ng mga magsasaka nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi pa inilalabas ng Czech government ang mga detalye ng huling labor policy, ngunit binati na ni Dayang ang overseas Filipino workers (OFWs) at ang Filipino community sa Prague na inilarawan niyang “highly-valued for their good work, good character, and for integrating well in Czech society.”

“Those are (the) good reasons why the Czech Government has decided to make it easy for more Filipinos to work in the Czech Republic. Credit goes to the Filipino community in the Czech Republic. Mabuhay!,” sinabi ni Dayang sa mensaheng ipinaskil sa kanyang social media account.

Ayon kay Dayang, interesado ang Czech government sa healthcare workers.

“Our workers here include few skilled workers in DHL, a large portion of electronic technicians, massage therapists, English teachers and household service workers. The 1,000 is fresh,” aniya.

Kaugnay nito, nagbabala si Dayang sa publiko na huwag magpaloko sa illegal recruiters.

“Babala po na mag ingat sa illegal recruiters na di dadaan sa POEA (Philippine Overseas Employment Administration),” aniya. - Roy C. Mabasa