Cleveland Cavaliers' LeBron James, right, drives to the basket against Houston Rockets' James Harden in the first half of an NBA basketball game, Saturday, Feb. 3, 2018, in Cleveland. (AP Photo/Tony Dejak)

CLEVELAND (AP) — Ipinatikim ng Houston Rockets, sa pangunguna nina Chris Paul na may 22 puntos at 11 assists at Ryan Anderson na may 21 puntos, ang pinakamasakit na kabiguan sa Cavaliers, 120-88, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si James Harden ng 16 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Houston.

Mula nang mabigo sa Golden State sa Araw ng Kapaskuhan, lungayngay ang Cavs at si LeBron James sa 0-8 sa network broadcasts game at ilang ulit ang kahihiyang tinamo laban sa contender na mga koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natalos sila ng 28 puntos sa Minnesota, 34 sa Toronto, 24 sa Oklahoma City at 32 sa Rockets.

Tumapos si James na may 11 puntos at hindi na naglaro sa kabuuan ng fourth period. Kumana si Isaiah Thomas ng 12 puntos para sa Cleveland.

NUGGETS 115, WARRIORS 108

Sa Denver, kumana si Nikola Jokic ng 19 puntos, tampok ang go-ahead three-pointer may 2:10 sa laro para makaulit sa defending champion Golden State Warriors.

Kumubra si Will Barton ng 25 puntos at tumipa si Gary Harris ng 16 puntos para sa Nuggets, pumatas sa Golden State 2-2 sa kanilang head-to-head duel ngayong season.

Nanguna si Kevin Durant na may 31 puntos sa Warriors, habang kumana si Stephen Curry ng 24 puntos.

MAVERICKS 106, KINGS 99

Sa Sacramento, California, naisalpak ni Yogi Ferrell ang magkasunod na three-pointer para sandigan ang Dallas Mavericks kontra Sacramento Kings at tuldukan ang five-game losing streak.

Nagsalansan si Dirk Nowitzki ng 15 puntos at pitong rebounds, habang umiskor sina Harrison Barnes ng 18 puntos at Dwight Powell ng 17 puntos.

Kakailanganin na lamang ni Nowitzki ng anim na minuto para tanghaling ikaanim na player na may kabuuang 50,000 career-minute play at maksama sa listahan nina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone, Kevin Garnett, Jason Kidd at Elvin Hayes.

JAZZ 120, SPURS 111

Sa San Antonio, naitala ni Ricky Rubio ang season-high 34 puntos at siyam na assists sa panalo ng Utah Jazz kontra Spurs.

Kumubra si LaMarcus Aldridge ng 31 puntos para sa San Antonio. Huling laro ng Spurs sa kanilang teritoryo bago sumabak sa mahabang laban sa road game.