PINAGMASDAN ni Ancajas ang karibal na si Gonzales na gumulong matapos tamaan ng kanyang bigwas sa ika-10 round ng kanilang IBF championship fight. PHILBOXING PHOTO
PINAGMASDAN ni Ancajas ang karibal na si Gonzales na gumulong matapos tamaan ng kanyang bigwas sa ika-10 round ng kanilang IBF championship fight. PHILBOXING PHOTO

Ni NICK GIONGCO

CORPUS CHRISTI, Texas — Itinuturing 'the next Manny Pacquiao' si Jerwin Ancajas. At hindi niya binigo ang mga tagahanga na nagkukumpara sa kanya sa Pinoy eight-division world champion.

Nagpamalas ng bilis, katatagan at determinasyon si Ancajas sa kabuuan ng laban tungo sa impresibong panalo sa ika-10 round kontra Mexican Israel Gonzales at mapanatili ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight crown sa harap nang nagbubunying crowd sa American Bank Center dito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi man, mapantayan ang tagumpay ni Pacquiao, lumapit ang pambatao ng Tagum City, Davao del Norte sa pamantayan para maipagkatiwala ng sambayanan ang tiwala na madadala niya ang bansa sa pedestal ng tagumpay sa sports.

Habang, tila kumbinsido na ang manonood na matatapos ang laban sa 12-round, umingkas ang kombinasyon ng 26-anyos na si Ancajas para mapabagsak ang karibal. Ito ang ikalawang bagsak ng Mexican na narindi sa unang bahagi ng salpukan.

Hindi na nagaksaya ng panahon ang referee na si Rafael Ramos at kaagad na inawat si Ancajas at ideklara ang panalo may 1:50 ang nalalabi sa ika-10 round.

“Naramdaman ko nang narindi ko siya sa eight round pa lang. Medyo bumagal na ang kilos niya at humina ang bigay ng suntok,” pahayag ni Ancajas.

Bunsod ng panalo, nahila niya ang ring record sa 29-1-1, tampok ang 20 KOs. Bagsak naman si Gonzalez sa 20-2 na may walong KOs. Kaagad siyang nilapitan at kinamusta ni Ancajas matapos mahimasmasana, isang aksiyon nang isang tunay na sportsman tulad ni Pacquiao.

Kahit natapos ang laban sa referee stop contest, ang tatlong hurado ay pawang umiskor ng pabor kay Ancajas, 90-80.

Abot-tainga naman ang ngiti ni Hall of Fame promoter Bob Arum sa tagumpay ng bago niyang mina. Napalagda niya si Ancajas ng tatlong laban para sa taong 2018. Si Arum din ang naging promoter ng mga big fight ni Pacman.

“That was an excellent performance,” sambit ni Arum.

Aniya, si Ancajas “will become a fan favorite not only in the US but worldwide.”

Nakopo ni Ancajas ang IBF 115-lb title noong September 2016 at tatlong ulit niya itong naidepensa sa Macau, Australia at Northern Ireland, ba go ang laban kay Gonzalez sa US.

Bago ang laban, personal na nakausap ni Ancajas sa overseas call si Pacquiao, na muling nagpaalala sa kanya na maging maingat sa paglaban kay Gonzalez.

Bahagi ng Ancajas’ corner sina chief trainer Joven Jimenez, Mark Anthony Barriga, Roberto Jalnaiz, Rodel Mayol, Delfin Boholst at Todd Makelim.

Inihahanda na ni Arum ang sunod na laban ni Ancajas na posibleng co-main event sa laban ni Pacquiao sa April sa New York City.