Sa layuning matugunan ang suliranin sa trapiko, agad na ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang anim na solicited Public-Private Partnership (PPP) projects na sisimulan ngayong taon.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng: Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Phase 2; Quezon-Bicol Expressway; Batangas City-Bauan Toll Road Project; Davao-Digos Expressway; Extension ng TPLEX; at Delapan-Pasig-Marikina Expressway.
“Our government is pushing for the realization of these major road projects that are necessary to ease traffic congestion within city roads,” pahayag ni Public Works Undersecretary Ma. Catalina Cabral.
Pangangasiwaan din ng DPWH PPP Service ang pagpapatupad sa tatlo pang proyekto: ang TPLEX sa Pozorrubio hanggang Rosario subsection na 14 porsiyento nang nakumpleto; Cavite-Laguna Expressway na nasa 6% na ang konstruksiyon; at NLEX-SLEX Connector Road na sisimulan unang quarter ng 2018. - Mina Navarro