KAPWA respetado nina coach Tab Baldwin at Topex Robinson ang kani-kanilang sistema. Sa pagkakataong ito, masusubok ang katatagan ng dalawa sa pagsabak ng kani-kanilang koponan sa Elite 8 ng Philippine Collegiate Champions League (PCCL).

Ang Ateneo ni Baldwin ang reigning UAAP champion, habang ang Lyceum ni Robinson ang reigning runner-up sa NCAA at tangan ang impresibong 14-0 sweep sa elimination ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Nakatakda ang PCCL sa Pebrero 8.

Ngunit, sa ikaapat na araw ng national quarterfinals sa February 11 pa magtatagpo ang Blue Eagles at Pirates. Mapapalaban din sila sa Group A, Visayas qualifier UV at Luzon qualifier Naga College Foundation.



Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa Group B, magtatagpo ang NCAA champion San Beda, UAAP runner-up La Salle, Mindanao qualifier Holy Trinity College of General Santos at NCR qualifier San Sebastian.



Ang pagkakasama ng Golden Stags ay kumumpleto sa dominasyon ng NCAA team sa torneo.

Matapos ang intra-group quarterfinals, ang mangungunang dalawang koponan sa bawat grupo at uusad sa crossover semifinals sa February 12 at ang magwawagi ay magtutuos sa national final sa February 15.



Ang quarterfinal stage ay gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig, habang ang Final 4 at Final ay lalaruin sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.