June Mar Fajardo (PBA Images)
June Mar Fajardo (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Ynares Sports Centre)

4:30 n.h. -- Alaska vs Globalport

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

6:45 n.h. -- Magnolia vs San Miguel

PAGKAKATAON ng defending champion San Miguel Beer na makabalik sa win column at sa pangingibabaw sa pagsagupa nila sa kasalukuyang lider Magnolia Hotshots sa tampok na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Magsasagupa ang Hotshots(6-1) at ang Beermen (5-1) ganap na 6:45 ngayong gabi kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Alaska at Globalport ganap na 4:30 ng hapon.

Naputol ang 5-game winning streak ng SMB sa larong nagtapos sa kontrobersiya kontra Ginebra sa iskor na 96-100 noong nakaraang Linggo kung saan pinagmulta ni Commissioner Willie Marcial si Chris Ross at sinuspinde ang mga referees dahil sa nangyaring kalituhan sa paggawad ng freethrows sa maling player.