Ni NITZ MIRALLES

IDEYA pala ni Mikael Daez ang pakikipag-agawan ni Megann Young ng bridal bouquet sa kasal nina Robby Mananquil at Maxene Magalona-Manaquil.

MEGAN AT MIKAEL copy copy

Ginawang challenge ni Mikael sa girlfriend na maagaw nito ang bridal bouquet na ginawa naman ni Megan. Kitang-kita sa video na tinabig pa ni Megan ang katabi, saka tumakbo at lumiyad, at gamit ang height advantage, paabot na sinalo ang bridal boquet.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nalaman namin sa presscon ng The Stepdaughters na si Mikael ang promotor sa pakikipag-agawan ni Megan ng bridal boquet. Pinagbibidahan nila ang bagong Afternoon Prime ng GMA-7, kasama si Katrina Halili.

“Pero wala pang kasalang magaganap sa amin ni Megan kahit nasalo niya ang bridal bouquet. May kasabihan kasi na susunod na ikakasal ang isang babae ‘pag nasalo ang bridal bouquet, di ba? Malayo pa sa amin ‘yun, magtatrabaho muna kami at magpu-focus sa The Stepdaugters. Special sa amin ang project na ito dahil first time naming magkakasama ni Megan,” paliwanag ni Mikael.

Natutuwa si Mikael na marami silang supporters ni Megan na gustong sila na ang magkatuluyan at magpakasal. In fact, as of press time ay umabot na sa 1,156,097 ang views sa video ng pakikipag-agawan ni Megan ng bridal bouquet.

Anyway, sa February 12 na ang pilot ng The Stepdaughters mula sa direction ni Paul Sta. Ana na first time magdidirek ng teleserye for GMA-7. Kilala siyang indie filmmaker at nagdidirek na sa GMA News & Public Affairs.

“Gusto ko ang style ni Direk Paul at makikita ninyo kapag pinanood at sinubaybayan n’yo ang The Stepdaughters. Ang daming mangyayari sa story at karakter na konektado sa isa’t isa. Masaya siyang gawin,” sabi ni Mikael.