Ni Reggee Bonoan

“ANG galing nu’ng Nathalie Hart, walang paki sa hubaran, nakakabilib. Sisikat ‘yan!” sabi ng TV executive na nakausap namin sa wake ni Direk Maryo J. de los Reyes sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules.

NATHALIE DIREK GINO COLEEN AT XIAN copy

Ang tinutukoy ng aming kausap ay ang shooting ng pelikulang Sin Island nina Coleen Garcia at Xian Lim na si Nathalie ang third wheel, sa direksiyon ni Gino Santos.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sexy ang pelikula na base sa trailer ay si Nathalie ang kahuhumalingan ni Xian nang iwan ng asawang si Coleen.

Sabi pa, “Di ba, parang Rosanna Roces na alaga mo noon na walang keber sa eksena? ‘Pag sinabing hubad, maghuhubad talaga. Bilib ako kay Nathalie, ang galing.”

Matagal nang artista si Nathalie (Princess Snell ang screen name nang magsimula) pero bit roles lang ang nakukuha. Sa ABS-CBN siya nagsimula at nakasama sa mga programang Your Song Presents Underage (2009), Kambal sa Uma (2009) at Betty La Fea (2009) hanggang sa lumipat na ng GMA-7.

Marami na rin siyang nagawang pelikula tulad ng Somebody To Love, Dilim, Shake Rattle and Roll XV, Balatkayo, My Rebound Girl, Siphayo at Tisay.

Nanalo siya ng Best Actress sa Siphayo (2016) sa International Film Festival Manhattan: Film Festival Director Award.

E, kaya magaling kasi may award na at international pa.

Napuri rin si Xian sa unang paggawa ng sexy film, may ibubuga raw pala sa acting, depende lang siguro sa material.

Obserbasyon din namin, mas nailalabas ng aktor ang nalalaman sa pag-arte kapag walang ka-love team.

Tila naaalangan o nahihiyang tumodo ng acting si Xian kapag kasama niya si Kim Chiu, dahil sa Everything About Her nila nina Congresswoman Vilma Santos at Angel Locsin ay maganda ang performance niya at nanalo pa nga siya ng awards.

Given nang magaling si Coleen kaya hindi na siya masyadong napag-usapan pa.

Ayon kay Xian nang makausap namin sa contract signing niya sa Viva Artists Agency, ang Sin Island ang huling pelikulang nagawa niya sa Star Cinema as an exclusive contract artist ng Star Magic.

Mapapanood ang Sin Island sa Pebrero 14 mula sa Star Cinema.