Ni PNA

SA gitna ng tuluy-tuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, tiniyak ng Department of Tourism (DoT) sa mga turista na nananatiling ligtas ang Legazpi City sa Albay kung saan matatagpuan ang bulkan.

“Legazpi, where Mayon Volcano is situated, is safe. If the plane arrives, it’s safe, it’s only when there’s no plane that it becomes a problem,” sinabi ni DoT-Region V Director Benjamin Santiago sa mga mamamahayag sa sidelines ng Anahaw-Philippine Sustainable Tourism Certification na inilunsad sa Maynila.

“You can view Mayon from very safe sites but not on the eight-kilometer danger zone. Basically, you’re safe and you can enjoy all activities except the ATV (all-terrain vehicle) rides,” sinabi ni Santiago nang hingan ng mensahe para sa mga lokal at dayuhang turista na nagdadalawang-isip na bumisita sa Albay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagtakda ang mga awtoridad ng exclusion zone sa paligid ng Mayon at inilikas na ang mga residente sa mga komunidad na nakapaligid sa bulkan simula nang sumabog ito nitong Enero 13.

Sinabi ni Santiago na bahagya lamang na nabawasan ang mga turistang dumadagsa sa lalawigan. “Overall, wala namang masyadong galaw, may pumupunta naman doon na mga media, humanitarian volunteers, so marami. But for now sabihin natin na mixed or equal, may nawala may nadagdag,” ayon kay Santiago.

Sinabi rin niyang kumpiyansa siya na higit pang nakikilala ng mga turista ang Bulkang Mayon. “Mayon is like a product and I think overall with the (increased) awareness, mare-recoup ‘yung nawala.”

Aniya, ligtas ang silangang bahagi ng bulkan dahil ang ibinubuga nitong abo ay may direksiyong patimog-kanluran.

Pinagsasama ang pagsusulong pa sa bantog na tourist spot at ang pangangailangan ng ayuda, inilahad ng opisyal ang ideya ng VolunTourism at hinimok ang mga nais dumagsa sa lalawigan na magturo roon bilang mga volunteer at magkaloob ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pagsabog ng Mayon.

Para kay Danilo Intong, direktor ng DoT-Office of Tourism Standards and Regulation, magbibigay ito ng bagong kahulugan sa turismo para sa Albay, na muling nakilala dahil sa panibagong pag-aalburoto ng Mayon sa nakalipas na mga linggo.

“(The) Mayon Volcano eruption, it’s somehow a negative thing in tourism development if you look at it in a macro level but if we look into it, we can change this negative phenomenon into something positive,” sinabi ni Intong sa mga mamamahayag.