Ni Gilbert Espeña

MAHIGIT 1,000 runners kabilang ang mga estudyante, guro, pulis, sundalo, propesyunal at mga seryosong mananakbo ang lumahok sa 7th Santa Maria Town Fiesta Fun Run 2018 – isang 5-kilometrong takbuhan na alay sa patrong La Purisima Concepcion kaugnay ng pistang-bayan na magsisimula at magtatapos sa simbahan sa Barangay Poblacion, Sta.Maria,Bulacan.

Nagbigay kulay at sigla sa taunang kapistahang ito ang pangunahing abala na Ms.Neriza Glorioso, chairman ng fun run sa tulong na din ng Rotary Club of Sta.Maria na pinamumunuan ng Pangulo na si Gersam Balag at Hermano Mayor na si Engr.Daniel de Guzman.

Nabatid na naging bahagi na taun-taon ng kasayahan tuwing sasapit ang kapistahan ng bayan ng Sta.Maria ang fun run at lahat ng malilikom sa patakbong ito ay matutungo sa simbahan para sa kanilang mga proyekto.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Pangunahing sponsors sa patakbong ito ang Dunkin Donuts-Sta.Maria, Bulacan, May Harvest Corporation at Engr.Efren, at Mrs, May Martinez na full support sa mga programa ng simbahan ng bayan ng Sta.Maria.