Ni Beth Camia
Bumaba sa “record-low” na 6.1 porsiyento noong 2017 ang average rate ng mga pamilyang biktima ng common crimes sa bansa.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16, 7.6%, o 1.7 milyong pamilya ang naging biktima ng physical violence, pickpockets, pagnanakaw, at o carnappers sa nakalipas na anim na buwan.
Pero bagamat mas mataas ito ng 1.5 percentage points kumpara sa 6.1% o 1.4 milyong pamilya na nagsabing biktima sila ng common crimes ayon sa September 2017 survey, ang resulta ng annual average para sa 2017 ay maituturing pa ring “record-low.”
Ito ay bunsod ng naitalang record-low 3.7% quarterly victimization rate noong Hunyo 2017.