TINA TURNER AT GRUPO NI RACHELLE ANNE copy

Ni LITO MAÑAGO

DUMALAW at nanood ng Hamilton: The Musical sa Victoria Palace Theater si Tina Turner.

Ongoing na ang West End version ng award-winning musical ni Lin-Manuel Miranda at isa sa cast ang Pinay superstar na si Rachelle Ann Go na gumaganap sa role na Eliza Schuyler Hamilton, misis ng America’s founding father na si Alexander Hamilton (played by Jamael Westman).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nauna nang ipinost ni Shin (pet name ni Rachelle) ng photo op ng cast with the legendary musical icon at ang caption niya, “TINA TURNER!!! I grew up singing her songs! What a legend! I couldn’t believe this. #hamiltonldn.”

Nag-post din ng short video si Rachelle sa kanyang social media account na makikita sa stage ang American-born Swiss singer sa stage habang pinupuri ang bumubuo ng Hamilton company.

Ang caption ni Shin, “TINA TURNER, thank you for the powerful words. @hamiltonwestend family is happy.”

Say naman ng Grammy winner, “... to the costumes, to the acting, to the singing, it was simply greatness. I’ve never been to many musicals... this is the real one that I’ve really seen, watched every details, every footwork.”

“If I could hug everybody, I would, but I’ll give you a real, real hug. It was a great, great, great job!”

Sinuklian ito ng palakpakan at pasasalamat ng cast.

Hindi si Tina Turner ang unang famous celebrity na nanoood ng Hamilton: The Musical sa West End.

Sa first week ng preview noong December 14, 2017, nasa audience rin ang Oscar winner na si Emma Stone.

Sabi ni Rachelle rito, “I adore her so much!!! Thank you for coming to see @hamiltonwestend. #emmastone.”

Bago natapos ang 2017, nanood din ang English actress at Academy Awards nominee na si Keira Knightley.

“What a way to end the year @hamiltonwestend w/ Keira Knightley in the crowd! I have to be honest... I freaked out,” na tinapos ni Rachelle sa hashtag na #girlcrush.”

Biggest break ni Rachelle ang Hamilton: The Musical bilang actress sa West End sa London.

Bago ito, ginampanan ng former grand winner ng Search for a Star ang role na Gigi Van Trahn sa musical revival na Miss Saigon sa West End at Broadway sa New York at Fantine sa longest-running musical na Les Miserables sa London at Manila.