SACRAMENTO, California (AP) — Naisalba ng Golden States Warriors ang 119-104 panalo kontra Sacramento Kings mula sa malamyang simula at 25 na turnover nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Golden State Warriors forward Kevin Durant goes to the basket over Sacramento Kings' Justin Jackson, left, and Willie Cauley-Stein during the first quarter of an NBA basketball game Friday, Feb. 2, 2018, in Sacramento, Calif. (AP Photo/Rich Pedroncelli)
Golden State Warriors forward Kevin Durant goes to the basket over Sacramento Kings' Justin Jackson, left, and Willie Cauley-Stein during the first quarter of an NBA basketball game Friday, Feb. 2, 2018, in Sacramento, Calif. (AP Photo/Rich Pedroncelli)

Kumabig si Kevin Durant ng 13 sa kabuuang 33 puntos sa second quarter at pantayan ang season-high anim na three-pointers para sandigan ang Warriors sa morale-boosting win matapos ang 30 puntosnablowout laban sa Utah Jazz nitong Miyerkules.

Ang panalo ang ika-248 career victory ni coach Steve Kerr.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umusad din ang Golden State sa 11-0 sa pagkakataon na makaigtad sa back-to-back loss.

Mula sa 14 puntos napaghahabol, naidikit ng Sacramento ang iskor sa 89-88 mula sa tatlong sunod na baskets ni Buddy Hield may 7:55 ang nalalabi sa laro.

Umiskor si Omri Casspi sa driving layup, kasunod ang three-point play ni Draymond Green at three-pointer ni Nick Young. Sa gitna ng paghahabol ng Kings, naiskor ni Durant ang huling 10 puntos, tampok ang back-to-back three-pointer.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 23 puntos, at anim na assists, habang tumipa si Klay Thompson ng 20 puntos at kumana si Green ng 13 puntos, siyam na rebounds at anim na assists para sa Golden State.

Nanguna si Zach Randolph san Kings na may 18 puntos at pitong rebounds, habang humugot si Justin Jackson ng 17 puntos at tumipa si De’Aaron Fox ng 16 puntos at anim na assists para sa Sacramento.

CELTICS 119, HAWKS 110

Sa Boston, impresibo sa ikalawang sunod na laro ang all-around game ni Terry Rozier bilang starter kapalit ng na-injured na si Kyrie Irving.

Naitala ni Rozier ang career-high 31 puntos at pitong rebounds, nhabang kumubra si Jayson Tatum ng career-high 27 puntos sa panalo ng Boston kontra Atlanta.

Laban sa Knicks nitong Miyerkules, tinanghal si Rozier na ikatlong player sa kasaysayan ng liga na kumana ng triple-double sa kanyang debut bilang starter sa naiskor na 17 puntos, 11 rebounds at 10 assists.

“Both (starts had) just the same feeling,” pahayag ni Rozier. “Just wanting to come out aggressive, do what I can on the offensive and defensive end. My teammates made it so easy for me because they play so hard. We just play hard collectively as a group.”

Humakot si Jaylen Brown ng 19 puntos at kumana si Al Horford ng 17 puntos at pitong assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng Boston sa huling limang pagsabak.

Kumana rin si Taruean Prince ng career-high 31 puntos at walong rebounds SA Hawks.

JAZZ 129, SUNS 97

Sa Phoenix, patuloy ang pamamayagpag ni rookie Donovan Mitchell sa naiskor na 40 puntos – isang puntos ang layo sa career high – para sandigan ang Utah Jazz kontra Suns para sa ikaapat na sunod na panalo.

“I didn’t know I had 40 to be honest with you,” sambit ni Mitchell. “I didn’t know until Joe (Ingles) told me. I think the biggest thing was we were clicking. Everybody was clicking, that was the best part of it.”

Ito ang ikalawang sunod na blowout win ng Jazz na nito lamang Miyerkules ay pinataob ang Golden State sa 30 puntos na kalamangan.

Kumana si Mitchell ng 14 of 19 shots at career-best pitong three-pointer.

“He’s just making progress,” sambit ni Jazz coach Quin Snyder.

“We’ve been saying that for a while, he learns quickly. If there’s nights when it’s not a good, not as fluid, there’s usually some reason why, people guarding him different ways. But he adapts very quickly. I thought his reads were really good.”

PELICANS 114, THUNDER 100

Sa Oklahoma City, nailista ni Anthony Davis ang 43 puntos sa panalo ng New Orleans Pelicans kontra Oklahoma City Thunder.

Kumubra si Davis ng 17 of 34 shots at may 10 rebounds, habang humirit si Twaun Moore ng 26 puntos.

Nabalewala ang 16th triple-double ni Westbrook ngayong season. Umiskor si Steven Adams ng 23 puntos at 12 rebounds.

Sa iba pang mga laro, ginapi ng Sixers, sa pangunguna ni Joel Embiid na may 17 puntos at 11 rebounds ang Miami Heat, 103-97; naisalpak ni Giannis Antetokounmpo ang driving layup may 1.9 segundo para sa 92-90 panalo ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks’ tinalo ng Toronto Raptors ang Portland, 130-105; at pinulbos ng Charlotte Hornets ang Indiana Pacers. 133-126.