karera copy

HUMATAW tungo sa impresibong panalo ang Mytic Award at Manda laban sa matitikas na imported at local na karibal para tampukan ang Japan Cup Races kamakailan sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Kilala dati bilang JRA (Japan Racing Authority) Cup na matagal nang nagbibigay ng mga world-class races tampok ang mga matitikas na local at imported na pangarera at naglalaan ng kabuuang P1 milyon na premyo.

Sa gabay ni JD Juco, nanatili ang Mystic Award na nakikipaggitgitan sa mga karibal bago tuluyang rumatsada sa huling kabig tungo sa kahanga-hangang five-length victory sa Imported Division (1,400 meters) ng Japan Cup. Sumegunda ang Anaffairtoremember (jockey Val R Dilema) kasunod ang War Dancer (RO Niu Jr).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nakolekta ng Jade Bros farm, may-ari ng Mystic Award ang P300,000 winner’s prize, habang ang mga may-ari na sina Narciso Morales (Anaffairtoremember) at Rancho Sta. Rosa (War Dancer) ay tumabo ng P112,500 at P62,500, ayon sa pagkakasunod.

“Ang game-plan is mag-stay lang sa bungkos para ma-conserve ang lakas, at bumanat sa diretso. Hayun, natupad naman ang gusto ng mga boss,” pahayag ni Juco.

Halos pareho ang agwat ng panalo ng Manda, sakay si Jockey JB Hernandez sa Local Division (1,400 meters) para gapiin ng alaga ni Benjamin Abalos Jr. ang mga karibal na Mam Candy (Jockey Kevin Abobo) at Summer Romance (Val R. Dilema).

Tinanggap ni Abalos Jr. ang P300,000.

Ang Japan Cup ay bahagi ng pinatitibay na ugnayan ng Philippine Racing Commission (Philracom) at Japan Racing Authority, host din sa taunang Philippine Trophy Race.

Sa araw mismo ng karera, ibinigay nina JRA officials Sadamichi Imabayashi, Kazuhiro Youfu, Hiroyuki Koezuka at Masashi Shoju ang rekomendasyon sa tatlong premyadong race track sa bansa – MJCI’s San Lazaro Park, Philippine Racing Club’s Santa Ana Park at Metro Turf ang pamamaraan para mas maapaayos at maalagaan ang kondisyon ng mga naturang race courses.

Nitong Abril, inimbitahan ng Philracom sina JRA Facilities Co. LTD. Director Youfu at JRA Facilities Co. LTD. Adviser Imabayashi, para tulungan ang ahensya na maiaayos at maitaas ang antas ng kondisyon ng mga race tracks sa bansa.

“They presented their individual reports on each of the three race tracks in the country to emphasize kung ano ang kulang, kung paano mako-correct and how to maintain them. And from their findings and recommendation, we will put this as a requirement to the clubs,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.