'EB' sa Conchas Cliffhouse copy

Ni NORA CALDERON

NATUWA ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza last Wednesday afternoon, nang mag-post ang Eat Bulaga sa kanilang Instagram account na nasa Concha’s Garden Cafe sa Cliffhouse sa Tagaytay City sina Maine, Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros, kasama ang buong production staff ng “Juan For All All For Juan Sugod Bahay” segment ng show.

Bago iyon ay nalaman nina Vic Sotto, Joey de Leon at Allan K kina Maine at Jowapao na nasa isang barangay sila sa Tagaytay at tagaroon ang winner sa sugod-bahay na si Done, isang caddy sa golf course at sinabi pa niya na madalas daw siyang makapag-caddy kay Bossing Vic kapag naglalaro ito.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Pagkatapos ng sugod-bahay, sa restaurant ni Alden tumuloy sina Maine at lahat ng bumubuo sa production na ganoon pala karami. Isang long table ang isinet-up sa labas ng restaurant.

On-hand daw to welcome them ang Daddy Bae ni Alden, dahil nagso-show pa ang actor sa Broadway studio. Si Wally, para naman daw makasama nila si Alden, inilapit sa vacant seat sa tabi ni Maine ang standee nito na nakalagay sa welcome area ng restaurant. May nagtanong kung first time ni Maine na kumain doon, hindi raw. Kaya ang gaganda ng comments ng fans sa IG ng EB.

Pero hindi na tumuloy doon si Alden na may meeting pa pala sa Concha’s Garden Cafe niya sa Quezon City.