Ni Reggee Bonoan

BAGAMAT malungkot ang lahat ng mga nakiramay sa burol ni Direk Maryo J. delos Reyes sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules ng gabi, masaya nilang binalikan ang lahat ng mga karanasan nila noong nabubuhay pa ito.

Karamihan sa mga nakita namin sa burol ay nakatrabaho ni Direk Maryo sa pangunguna ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde kasama ang anak na si Ms. Roselle Monteverde-Teo. Silang mag-ina ang nag-organisa ng lamay nang gabing iyon na dinaluhan ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI).

Nakita namin sina Direk Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Louie Ignacio, Mel Chionglo at iba pa na may kanya-kanyang kuwento tungkol sa naging karanasan nila noong nabubuhay pa si Direk Maryo.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Namataan din namin sina Gabby Concepcion, Assunta de Rossi, Rich Asuncion, Joel Torre, Ara Mina, Dulce, Alice Dixson, Congressman Yul Servo, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Rex Cortez, Pen Medina, Manay Ichu Maceda, Romano Vasquez.

Hindi na namin naabutan sina Aga Muhlach, Sylvia Sanchez, Bacoor Mayor Lani Mercado at Quezon City Mayor Herbert Bautista na hatinggabi nang dumating.

Ngayong araw ihahatid sa huling kanyang hantungan si Direk Maryo sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.