Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

8:00 n.u. -- Adamson vs NU (Men)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

10:00 n.u. -- La Salle vs UST (Men)

2:00 n.h. -- Adamson vs NU (Women)

4:00 n.h. -- La Salle vs UST (Women)

SISIMULAN ng De La Salle University ang three-peat campaign sa women’s division sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas sa tampok na laro ng quadruple-bill ngayong hapon sa pagbubukas ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sasagupain ng Lady Spikers ang University of Santo Tomas Tigresses sa huling laban ganap na 4:00 ng hapon.

Nagtataglay pa rin ng solidong roster, nananatiling team to beat ang Lady Spikers, ngunit inaasahang mas magiging matindi ang hamon upang mapanatili nila ang hawak na women’s title sa ikatlong sunod na taon.

Tanging ang setter na si Kim Fajardo ang nag graduate sa koponan ni coach Ramil de Jesus at papalit sa kanya ang sophomore na si Michelle Cobb bilang playmaker ng Lady Spikers.

Muli, inaaaahang mamumuno para sa Taft -based spikers ang mga beteranang sina Kim Kianna Dy at multi-awarded libero Dawn Macandili na kapwa graduating sa taong ito kasama sina reigning MVP Majoy Baron, Tin Tiamzon at Aduke Ogunsaya.

Sa kabilang dako, misyon namang muling makabalik ng University of Santo Tomas sa Final Four matapos nila magtagumpay na magawa ito noong nakaraang taon.

Tiyak ding aantabayanan kung anong maiaambag sa team ng kanilang rookie na si 6-foot-2 Fil-Italian hitter Milena Alessandrini na puwedeng magdomomina sa net kung madaling makapag a-adjust.