Ni Reggee Bonoan
TINANONG kami ng mga nakakapanood ng mga serye sa ABS-CBN kung, “Wala na bang maisip na pangalan ang writers ng ABS-CBN? Bakit paulit-ulit o pare-pareho ang mga pangalan, like ‘yung Anna. Anna ang pangalan ni Julia Montes sa Asintado, ‘tapos Anna rin si Sue Ramirez sa Hanggang Saan. At saka ‘yung Gael, di ba Gael na si Bryan Santos sa La Luna Sangre? May Gael din sa Asintado, si Paulo Avelino. “
Mabuti na lang daw at hindi ginaya ang pangalan nina Maja Salvador bilang si Lily Cruz at Ivy Aguas ng Wildflower at si Zsa Zsa Padilla bilang si Red Dragon.
Samantala, ibang klase rin itong si Sonya na karakter ni Sylvia Sanchez sa Hanggang Saan dahil nakakulong na’t lahat naglulumab-life pa rin, may pahawak-hawak pa ng kamay kay Jojo (Rommel Padilla).
Sa napanood naming episode ng Hanggang Saan ay nanliligaw si Jojo (Rommel) kay Sonya. Kahit nakakulong ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Sonya at hindi rin naniniwalang siya ang salarin ni Mr. Lamoste (Eric Quizon).
Samantala, may bagong anggulong nakita si Paco (Arjo Atayde) sa kaso ng ina na ayon sa medico legal ay hindi siya ang pumatay kundi ibang tao, kaya pilit na kinukulit ng mga abogado si Sonya kung sino pa ang ibang tao sa pinangyarihan ng krimen.
Walang maisagot si Sonya dahil ang alam niya ay siya ang nakapatay sa ama ni Anna (Sue Ramirez) na minamahal ng anak niyang si Paco. Kinukulit ng una si Tata Asyong (Nanding Josef) kung may ibang tao itong nakita nang gabing iyon.
Hindi naman natagpuan ang baril na itinago ni Tata Asyong dahil naunahan na silang kunin nina Jacob (Ariel) bagay na ikinatataka ni Atty. Lorna Vega at ng associates nito kung paano nalalaman ng kalaban nila ang mga hakbang nila.
Mabubuking na kaya nina Paco (Arjo) at Atty, Georgette (Maxene Medina) kung sino ang hudas sa grupo ng Vega Law Office?
Abangan ang Hanggang Saan mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime.