TULAD ng nasabi ni Ruru Madrid, tila na-love at first sight din ang mga manonood sa istorya ng pinakabagong serye ng GMA na Sherlock Jr. Nang ipalabas kasi ang pilot episode nitong Lunes, pinag-usapan agad ito lalo na ang sweet moments nina Jack (Ruru) at Irene (Janine Gutierrez) na effortless sa pagpapakilig.

Pero ang nakakuha talaga ng atensiyon ng viewers ay ang cute na wonder dog na si Siri aka Serena at ang away-bating samahan nito at ni Jack. Hinuhulaan na ito ang magiging bagong favorite show ng netizens gabi-gabi.

Bukod kasi sa kuwentong nakakagood vibes, ipinapakita nito ang kalahalagahan ng relationship ng tao at pets nila.

Nakakarelaks at nakakabilib ang gawang Kapuso. Congratulations, GMA!
Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre