Ni Leonel M. Abasola

Itinanggi ni Senator Grace Poe na nais niyang ipagbawal ang Facebook sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga pekeng balita.

Ayon kay Poe, malinaw na mababatid na peke ang balita, at mahahalata sa viceo na kumalat sa Facebook na ginawa ito nang may malisya para palabasin na isinusulong niya ang pagbabawal dito.

“’Yan ang fake news. Hindi totoo ‘yan. First of all, that’s counterproductive. Mali. ‘Yun talaga ang disinformation.

National

Palasyo, may nilinaw sa 'reconciliation' remark ni PBBM: 'Wag lamang mag-focus sa mga Duterte'

‘Yung mga lumabas [sa social media], siyempre hindi natin pipigilan,” sabi ni Poe. “Ako mismo nasa Facebook, ‘yung mga anak ko nasa Facebook, marami sa ating mga kababayan ang kumukuha ng balita mula sa Facebook.”

Sa pagdinig sa Senado, kinuha ni Poe ang opinyon ng isang abogado hinggil sa mga paraan kung paano mapipigilan ng pamahalaan ang pagkalat ng mga pekeng balita, at mga mapanakot na pahayag, na hindi malalagay sa alanganin ang karapatan sa malayang pamamahayag.

Umapela rin si Poe sa netizens na suriing mabuti ang anumang impormasyong nakikita sa social media bago magbitaw ng mga pahayag o puna.

“Not that we’re going to do this. I’ll be the first to disagree if they do. But let’s say, can you block a particular company like Facebook from being accessed in the Philippines? Of course that would spark a revolution and we know that. But what I’m saying is this: They’re banking on their popularity but we should also assert their accountability to us,” dagdag pa ni Poe.

Samantala, umaasa si Poe na sa susunod na pagdinig ng Senate committee on public information ay makadadalo na ang mga kinatawan ng Facebook.