JAKARTA (PNA) – Tatangkain ng Team Philippines na maagaw ang atensyon ng crowd sa pakikipagtuos sa Indonesia sa first round ng Davis Cup Asia-Oceania Zone Group II tie na nakatakda sa Pebrero 3-4 sa Gelora Bung Karno Tennis Stadium Complex dito.

Nakaatang sa balikat nina Francis Casey Alcantara, Jeson Patrombon, Albert “AJ” Lim Jr., John Bryan Otico, at Jurence Mendoza ang tsansa ng Pilipinas na makabalik sa Group 1 tie.

Tatayong playing captain si Cris Cuarto.

Hindi kasama sa team sina Filipino-Americans Treat Huey at Ruben Gonzales bunsod nang career sa Tour circuit. Kapwa pinangun ahan nina Alcantara at Lim ang bansa sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakopo nina Alcantara at Gonzales sa doubles silver medal sa biennila meet.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Si Otico, 18, ang reigning Philippine Columbian Association Open men’s champion, habang si Mendoza ay athletic scholar sa Oklahoma State University (OSU).

“I feel excited and honored to have the opportunity to represent my country once again,” pahayag ni Mendoza sa online interview.

Isinamana naman ang 21-anyos na si Mendoza ng Philippine Tennis Association para mapatatag ang kampanya ng Philippine Team na mahila ang bentahe sa Indonesia (6-5).

“I’m expecting to play with Alcantara in the doubles,” sambit ni Mendoza, pambato ng University of the Philippines.