Ni Tara Yap

ILOILO CITY - Aabot sa P20 milyon halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang resort sa pangunahing tourist destination ng bansa, ang Boracay Island sa Malay, Aklan, nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Senior Insp. Lorna Parcellano, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Malay, na nasa 15 na kuwarto at iba pang pasilidad ng Nami Resort na nasa Barangay Balabag sa Diniwid Beach ang natupok sa sunog.

Sa ulat ng arson investigators, dakong 10:30 ng gabi nang sumiklab ang apoy at idineklarang fire under control dakong 1:00 ng madaling-araw kahapon.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

Binanggit ni Parcellano na nahirapan ang mga bombero dahil nasa bingit ng bangin ang lugar.

Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog, na iniimbestigahan pa ang sanhi.