Ni NITZ MIRALLES
MAGPAPATAWAG na raw ng presscon ang GMA Network para The Stepdaughters dahil sa February 12 na ang pilot airing ng Afternoon Prime na pagsasamahan nina Katrina Halili at Megan Young.
Mapapansin din na sunud-sunod na ang pagpapalabas ng GMA-7 ng trailer ng soap na papalit sa Impostora.
Sa nabasa namin, si Paul Sta. Ana ang director ng The Stepdaughters, malalaman natin sa presscon kung bakit nagkaroon ng pagbabago. Ang alam kasi namin, si Albert Langitan ang director nito.
Anyway, may dating ang teasers ng The Stepdaughters lalo na ‘yung eksena nina Katrina at Megan na nag-aaplay ng trabaho si Megan sa company nina Katrina. Napa-English tuloy si Megan.
Maganda rin ang teaser na sinabi ng karakter ni Megan na, “My beauty is something I want to share to everyone” na sinagot ng karakter ni Katrina ng, “I am beautiful so mainggit kayo.”
Siguradong sa buong serye, lalaban si Katrina ng inglisan kay Megan.
Samantala, isa si Katrina sa lubhang apektado sa pagkamatay ni Direk Maryo J. delos Reyes at ipinahayag niya ang nararamdaman sa mahabang Instagram post, na naririto ang isang bahagi.
“Direk Maryo thank you sa lahat, 2008 tayo nagkasama at nagkakilala, simula nu’n minahal ko na po kayo, sobrang sweet n’yo po sa akin, tuwing umaalis ka may pasalubong ka sa akin. Kinikilig po ako at sobrang natutuwa, kaya tuwing break tumatambay ako sa tent mo, nagkukuwentuhan, nagtatawanan. Halos taun-taon kasama ko po kayo sa show 2008-2004 kayo po ang unang tumatawag sa akin para sabihin na tanggapin ko, na sobra po akong natutuwa, makuha ko man ‘yung project o hindi basta alam kong gusto n’yo po akong makasama, sobrang blessed ko na po.
“Salamat sa guidance, hindi lang sa trabaho pati sa personal na buhay, sa sobrang pagmamahal ko po sa inyo kahit saan mo ako ayain, sumasama ako. Mami-miss kita, Direk at tuwing umiinom tayo, sobra akong nalalasing sa sarap ng kuwentuhan natin, ‘tapos lagi tayong natatapos ng umiiyak dahil sinasabi natin kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Lagi akong naiiyak dahil sobra ang tiwala mo sa akin, isa ka sa mga angel ko, Direk. Salamat po. Mami-miss po kita, mahal na mahal po kita, Direk.”
