Ni NORA CALDERON

KAHIT kalalabas lang ng hospital ni Janella Salvado, napaka-professional niyang nag-attend ng grand presscon ng My Fairy Tail Love Story na balik-tambalan nila ni Elmo Magalona. Masaya siyang nagkuwento ng experiences niya sa shooting nila kay Direk Perci Intalan at sa underwater director na si Marissa Floirendo.

“It’s no joke po,” sabi ni Janella na gumaganap bilang sirena sa pelikulang ito. “Kumuha po ako ng swimming lessons, mermaid lessons and diving lessons na kailangan kong mag-dive ng 14 feet deep sa isang diving pool. Pero I’m lucky dahil ang daming gustong makaganap sa role ng isang mermaid, at ito ang naibigay na role sa akin.

“Paborito ko po kasi ang fairy tale na Little Mermaid at dream ko talagang one day, maging mermaid ako na natupad dito sa movie. Feel-good movie po ito at p’wede sa buong family at sa mga lovers comes Valentine’s Day.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

“Pero dumating din ako sa point na nahirapang mag-shooting ng movie dahil nataon na summer nang gawin namin ito sa Zambales, kaya na-sunburn kami kahit may mga lotion kaming ginamit. Sunog na sunog ang face ko, hindi ako makasalita dahil magka-crack ang lips ko. Pero part po ng work ang magkaroon ng ganoong experience kaya okey lang sa akin. In-enjoy ko naman ang ginawa ko.”

Sa istorya ng movie, si Janella ay si Chantel, isang spoiled brat na hindi nakinig sa warning na hindi niya puwedeng guluhin ang coral formation under the sea. Kaya pinarusahan siya at nagising na lamang na isa nang sirena. Naniwala siya na kung mahahalikan siya ay babalik ang pagiging tao niya kaya nakipagkaibigan siya kay Prince Charming si DJ Ethan (Kiko Estrada). Ang hindi niya alam, true love kiss ang kailangan niya. At siyempre, mula ito sa best friend niyang si Noah (Elmo Magalona) na alam ang kanyang pinagdadaanan.

Siyempre pa, natanong si Janella kung magkasintahan na ba talaga sila ni Elmo.

“He tells me naman na I am important sa kanya, maalaga po siya. Noong magkasakit ako, siya pa ang nagpaalaala sa akin to take my medicines, dinalaw din niya ako. Pero sa ngayon po, we are just enjoying our closeness. Siguro po, gusto ko munang pareho naming makilala ang isa’t isa. Wala pong need to rush, mga bata pa naman kami ni Elmo.”

Produced by Regal Enterttainment, Regal Multimedia, Inc. at The Idea First Production, binigyan ito ng G (General Patronage) ng MTRCB at showing na xsa Valentine’s Day in cinemas nationwide.