Ni ADOR SALUTA

NAIKUWENTO ni Jodi Sta. Maria sa interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda ang maayos na samahan nila ni Iwa Moto, ang kinakasama ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson.

IWA AT JODI copy

“It’s not naman na in a snap of a finger everything happened. Hindi ganu’n, eh. It was a process also. But it all started, this beautiful friendship started with forgiving. It all started with forgiveness. When we have forgiven each other for our mistakes then that paved the way to a beautiful relationship,” pagtatapat ni Jodi kay Boy Abunda.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

“Ito ang klase ng friendship na wala ka nang mahihiling,” patuloy ni Jodi. “Alam mo ‘yung punung-puno siya ng pagmamahal at ng respeto. And nandu’n kami sa punto na kaya namin pag-usapan kahit na ano.”

Nagkaroon ng kontrobersiya sina Jodi at Iwa noong bago pa lang ang relasyon ng huli kay Pampi. May mga nagbintang na si Iwa ang naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

All’s well, that ends well, sabi nga at kaya nang pagtawanan ni Jodi ang mga naunang isyu.

“Yes, kasi tapos na, Tito Boy, parang hindi na kami nagki-carry ng baggage, eh. Mabigat lang ‘yan sa journey ng buhay.”

Bago natapos ang programa, ang tanong ng King of Talk sa aktres, “Kung dalawa ang puso mo, kanino mo ibibigay?”

“Sa Kuya ko and... first time, sasabihin ko na naibigay ko na sa kanya ‘yung puso ko, kay Jolo (Revilla)… Wala talaga akong ibang maisip but I have to say it,” sagot ng aktres.