Ni NORA CALDERON

MULING binigyan ng apat na araw na bakasyon sa Hong Kong ni Mr. Antonio Tuviera ng TAPE ang hosts at executives ng Eat Bulaga last week, simula Thursday hanggang Sunday. Bago sila umalis, nag-advanced taping sila ng episodes na ipinalabas habang wala sila.

Dabarkads sa Hong Kong copy

Naunang umalis noong January 25 sina Senator Tito Sotto and wife Helen Gambao (tamang-tama lang na tapos na ang serye nitong Super Ma’am), Bossing Vic Sotto and wife Pauleen Luna (iniwan nila ang kanilang si Baby Talitha sa pangangalaga ng parents ni Pauleen), at sina Joey de Leon and wife Eileen Macapagal.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Kasama rin sina Ruby Rodriguez, Luane Dy (na nag-celebrate ng birthday doon), Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Ryzza Mae Dizon and mom, at BaeBaste and mom. Hindi nakasabay sa kanila sina Alden Richards at Maine Mendoza na may Platinum Karaoke event pa sa SMX Convention Hall ng MOA. January 26, sumunod si Maine noong umaga, si Alden ang huling sumunod kinagabihan dahil nag-attend muna siya ng benefit show ni Fr. Jeff Quintela para sa pagpapagawa ng canopy ng simbahan nila sa Nangka, Marikina City.

Kanya-kanyang post sa social media ang Dabarkads kaya hindi lihim kung nasaan sila at ang fans na nakakita sa kanilang nag-dinner at namasyal doon ay nag-post din ng kani-kanilang pictures, na ikinatuwa naman ng mga fans dito sa ‘Pinas. Napakalamig daw ngayon sa Hong Kong at sabi ng friend naming based doon, mas lalamig pa next week lalo na’t paminsan-minsan ay umuulan din.

Pagbalik nila ng Manila, may mga pagbabago na sa segments ng Eat Bulaga at ang The Lolas Beautiful Show nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay papalitan na ng drama series ng GMA-7 na magtatampok kina Camille Prats, Neil Ryan Sese, Ayra Mariano, Bruno Miguel, at iba pa, ang Close To You.