Ni Jun N. Aguirre

ILOILO CITY - Nagsampa ng reklamo sa himpilan ng pulisya sa Iloilo City ang isang taxi driver makaraang holdapin umano ng tatlong teenager kamakailan.

Sa reklamo ng biktimang si Edgardo Bronosa, ng Miag-ao, Iloilo, sumakay umano sa minamaneho nitong GDR Taxi ang tatlong suspek sa Diversion Road, Mandurriao Iloilo City at nagpapahatid ang mga ito sa San Lorenzo Village, La Paz, Iloilo City.

Aniya, pagsapit nila sa lugar ay kaagad na nagdeklara ng panghoholdap ang tatlong menor de edad, gamit ang mga ice pick, at natangay sa biktima ang maghapong kinita nito na P3,500.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep