PATULOY ang bakbakan nang pinakamatitikas na breed line sa pagpalo ng ikalimang araw ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby ngayon sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Hawak ang 2-0 marka, sasabak ang Thunderbird entry ni JLA at 23 iba pa sa semifinals sa world-class action na handog ng Excellence Poultry & Livestock Specialists.
Nagpasikat ang mga baguhang sina Rey Canedo ng Davao, Cris Sioson ng Bataan at CEO Manny Berbano ng Pit Games Media Inc. sa naiposteng dalawang panalo nitong Martes.
Nanopresa rin ang bagong saling si Cholo Violago ng Bulacan (apat na panalo sa apat na sultada) matapos itaob ang mga beterano karibal.
Hindi rin nagpahuli sina Dr. Bel Almojera (Florida, USA), Mark at Joel Salazar (Malaysia), Mahakam group (Indonesia ) at Roger Nook na mga panlaban ng mga dayuhan entry.
Nangunguna rin sina sabong idol at Rep. Patrick Antonio, Arnel Cantal, Claude Bautista, Arthuro Suarez, Arman Santos, Emman Pichay,Tiny Meneses. Ruben Tan,Tady Palma, Jojo Gatlabayan, Joseph Canelas, John Gutierrez, Capt. Alven Javier, Rico Abliter,Edwin Olazo at Jess Moradas.
Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (yellow gate); o tumawag sa 911-5555.