INILUNSAD na ng Star Music ang ilan sa mga awitin at albums ng kanilang bagong recording artists na dapat abangan ngayong taon.

JC Santos copy copy

Ipinakilala sa entertainment press nitong Martes ang acoustic band na Agsunta, ang aktor na si JC Santos, ang acoustic singer na si Migz Haleco, ang singing duo na sina Miko at Gab, at ang Filipino-Japanese artist na si Natsumi Saito.

Sa wakas ay may self-titled debut album na ang Agsunta na unti-unting sumisikat online, partikular na sa millennials.

Trending

'Say aahh' Lalaking nag-aapply ng trabaho, sinubuan habang nasa online interview

Acoustic at soft melodic rock ang nilalaman ng kanilang album na may carrier single na Di Ba Halata.

Marami nang video ang Agsunta na naging viral sa YouTube at Facebook mula sa kanilang Agsunta Song Request webisodes handog ang kanilang nakakabilib na OPM covers, at mula rin sa Agsunta Jam Sessions tampok naman ang kanilang jamming activities kasama ang mga sikat na musicians. Ang grupo ay binubuo nina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas, at Stephen Arevalo.

Inilunsad naman ng ’Til I Met You actor na si JC Santos ang kanyang unang single na may titulong P’wede Naman na sinulat ni Gabriel Tagadtad at prinodyus ni Kiko Salazar.

Pumirma na rin siya ng recording contract sa Star Music at nakatakdang maglunsad ng debut album sa Pebrero 18 (Huwebes) sa Robinsons Place Manila.

Kabilang na rin ang bagong singing tandem sa Star Music, sina Miko Juarez at Gabriel Umali o mas kilala sa tawag na Miko at Gab, na unti-unti nang nakikilala dahil sa hit single nilang Hugot.

Nagkakilala ang dalawa nang parehong maging contestant ng Pinoy Boyband Superstar noong 2016. Sa madalas nilang paggawa ng covers, nadiskubre nila na maganda pala ang blending ng kanilang boses. Ang kanilang career ay hawak ng Asian Artists Agency ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ipinapakilala rin ng acoustic bae na si Migz ang kanyang bagong single na ‘Pag Ika’y Nagmahal.

Una siyang nakilala bilang bahagi ng singing duo na Migz at Maya, at kamaikailan ay bilang interpreter ng awiting Bes, isa sa finalists sa Himig Handog 2017. Napapanood siya bilang bahagi ng “ASAP Jambayan”.

Inilunsad na rin ni Natsumi, dating contestant ng The Voice Kids season one mula sa Camp Kawayan, ang kanyang self-titled debut album na may anim na awitin. Inilabas na noong Oktubre ang carrier single nito na Para Lang Sa ’Yo.

Magiging available rin sa Japan ang Natsumi album, ayon sa Facebook page ng dalaga.

Bukod sa mga bago nilang awitin, tampok naman sina Migz at ang Agsunta band sa nalalapit na Valentines concert nila mula sa Star Events, ang ValenTimes 2 na magaganap sa February 15 (Huwebes) kasama si Iñigo Pascual bilang special guest.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bagong artists ng Star Music, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.