NAISALBA ng Arellano University ang malamyang simula para madaig ang San Sebastian College, 19-25, 36-34, 25-16, 25-21, kahapon at masungkit ang ‘twice-to-beat incentive’ sa Final Four ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.

volleyball copy

Tumipa si Jovielyn Prado ng team-high 17 puntos, habang kumikig si Regine Anne Arocha, skipper Mary Anne Esguerra, Necole Ebuen and Carla Amaina Donato ng double-digits scores para selyuhan ang pagiging No.1 ng Lady Chiefs tangan ang 8-1 marka.

Nabawi rin nila ang masaklap na kabiguan sa College of St, Benilde nitong Lunes, 21-25, 20-25, 25-19, 12-25, para sa target na sweep.

Matapos ang kabiguan sa first set, nakihamok nang sabayan ang Lady Chiefs para maitakas ang pahirapang second set.

Human-Interest

Hospital levels sa bansa na mahalagang malaman ng bawat Pinoy

Aasahan naman ng San Sebastian na wala sinuman sa Perpetual Help (5-2), Jose Rizal (5-3) at CSB (4-3) ang makaabot sa anim na panalo para walang balakid na makausad sa susunod na round.

Sa men’s action, kinumpleto ng Arellano ang dominasyon sa 25-16, 25-14, 25-13, panalo upang makasiguro ng twice-to-beat edge tangan ang 8-1 marka.