Ni FER TABOY
Dalawang empleyado ng Department Public Works and Highway (DPWH) ang napatay habang dalawa pa ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang dump truck ng kagawaran sa Lamitan City, Basilan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Abdulbassit Daimon at Adjahal Dakis.
Sugatan naman sa insidente sina Mittoy Estajal at Abdul Sarabin, kapwa nakaratay sa Zamboanga City Doctor’s Hospital.
Sa report ng Lamitan City Police Office (LCPO), nangyari ang insidente sa Barangay Ba-as, Lamitan City, nitong Miyerkules ng umaga.
Sa pagsisiyasat, pinaniniwalaang tinira ng grenade launcher ng mga bandido ang 10-wheeler dump truck kung saan lulan ang mga biktima.
Nagsagawa pa ng hot pursuit operation ang militar sa mga tumakas na mga bandido.