Ni Annie Abad

IPINALIWANAG ni Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Velasco ang kahalagahan na maipatupad ang Smart ID para sa mga atleta.

Sinabi ni Velasco na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng Smart ID ang lahat ng atleta, kabilang yaong nasa training pool pa lamang.

“Never before in the history of Philippine sports Commission (PSC) na magkakaroon tayo ng Smart ID for our athletes, although meron ginawa noon kaso hindi napagtuunan ng pansin. So this time, ‘yan ang focus natin,’ ani Velasco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Smart ID ang siyang magsisilbing gabay hindi lamang ng mga coaches kundi na rin ng PSC at ng PSI upang malaman ang lahat ng mga detalye tungkol sa atleta.

Makakatulong ang nasabing Smart ID upang tukuyin kung anong sports maaring maglaro ang isang atleta gayung sisimulan ang nasabing ID para sa mga kabataan na may edad 8-12-anyos.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang PSC ng consultative meetings tungkol sa Smart ID para sa mga atleta ayon pa kay Velasco.