Ni NORA CALDERON

MANAGER ni Ruru Madrid si Direk Maryo J. delos Reyes, kaya labis-labis ang kanyang kalungkutan nang ang pagkamatay nito ang unang balita paggising niya last Sunday.

Ruru & Direk Maryo copy

First impulse niya ang pagpunta sa kinaroroonan ni Direk Maryo, sa Dipolog City, pero may trabaho pa siya sa Sunday Pinasaya at nasabay pa sa grand promotion sa show ng Sherlock, Jr., ang bago at pinagbibidahan niyang serye sa GMA-7.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Kaya wala siyang nagawa kundi umiyak na lang sa pakiramdam na nawalan siya ng pangalawang amang masasandalan, lalo na pagdating sa kanyang showbiz career.

“Natuwa po ako nang dumating siya sa grand presscon ng Sherlock Jr.,” sabi ni Ruru. “Hindi po naman niya ginagawa dati ‘yon, pero nagpunta siya at kinausap niya si Daddy.”

Nagbilin si Direk Maryo J sa daddy ni Ruru na huwag siyang pababayaan lalo na ngayon na may ginagawa siyang show. Ito ang iniiyakan niya nang husto.

“Ako po naman, dinalaw ko pa si Direk Maryo sa office niya noong Wednesday (January 24). Noong Friday, January 26, nagkita kami sa airport kasi papunta po kami ng cast ng Sherlock Jr. sa Iloilo para sa Dinagyang Festival. Papunta na po naman si Direk Maryo sa Dipolog City. Niyakap po niya ako ng mahigpit at kung alam ko lang na iyon na ang last na yakap niya sa akin, lalo ko pa sanang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

“Salamat po, Direk Maryo sa pagtulong ninyo sa akin, salamat po sa inyong pagmamahal, hindi ko po kayo malilimutan. Lagi kong tatandaan ang lahat ng mga payo ninyo sa akin.”

Si Direk Maryo ay kasalukuyang nakaburol sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Sa Saturday, February 3, ang kanyang cremation at interment after the Holy Mass.