Ni Annie Abad
BIBIGWAS ang Visayas Preliminaries ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Pebrero 3-4 sa Bago City Coliseum sa Bago City, Negros Occidental.
Nakatakda ang screening at pagpapatala ng lahok sa Biyernes sa naturang venue, ayon kay Supervising tournament director Rogelio Fortaleza ng Philippine Sports Institute.
Paglalaban ang mga kategorya sa Junior Boys and Girls Division (15 to 16 yrs. Old are the Pinweight (44-46 kg.), Light flyweight (48 kg.), Flyweight (50 kg.), Light Bantamweight (52 kg.) and Bantamweight (54 kg.) while in Youth Boys (17-18 yrs. Old) are Light flyweight (46-49 kg.), Flyweight (52 kg.), Bantamweight (56 kg.), Lightweight (60 kg.) at Light Welterweight (64 kg.)
May apat na weight class naman sa Youth Girls (17-18) na Light Flyweight (45-48 kg.), Flyweight (52 kg.), Bantamweight (54 kg.) at Featherweight (57 kg.).
Ang cut-off date sa Junior class ay ipinanganak noong 2001-2002, habang sa Youth ay 1999-2000.Umabot sa 100 boxers mula sa 22 koponan ang nakibahagi sa katatapos na Luzon Preliminaries sa Sorsogon City.
Itinataguyod ang nationwide grassroots development program ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Office of Sen. Manny Pacquiao.
Ang mga magwawagi sa preliminaries ay makakausad sa Visayas Quarter Finals na nakatakda sa Pebrero 17-18, habang ang semi-finals ay sa Marso 10 sa San Jose, Antique at ang Finals ay sa Marso 31 sa Maasin City.
Ang magwawagi sa Visayas Finals ay uusad sa National Championship Preliminaries sa Abril 21-22 sa Mandaluyong City.
Ang National Quarter Finals ay sa Abril 28 sa Tagbilaran City sa Bohol, kasunod ang National Semi-Finals sa Mayo 5 sa Tagum City.
Itinakda ang National Finals sa Mayo 12 sa Sarangani Province.
Bukod sa medalya at cash na nakataya sa torneo, ang mga potensyal na fighter ay mabibigyan ng tsansa na maging bahagi ng national training pool.