Ni Liezle Basa Iñigo

Kaagad na namatay ang isang pulis nang pagbabarilin habang may kausap sa isang canteen sa Sipat Street, District 3 sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktimang si SPO1 Eduardo Argonza, 40, na nakatalaga sa Luna Police sa Isabela, at residente ng Cauayan City, Isabela.

Dakong 7:20 ng umaga nitong Martes at kakuwentuhan ng biktima ang mga pinsan at kaibigan sa canteen ng kanyang ama nang may nagpaputok na armado.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Nagtamo ng ilang tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril si Argonza at isinugod sa Cauayan Medical Specialist Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen.