Ni Gilbert Espeña

MASUSUBOK ang kakayahan ni Japanese two-division world champion Kosei Tanaka laban sa walang talong Pinoy boxer na si WBO#12 Ronnie Baldonado sa kanilang sagupaan sa Marso 31 sa Nagoya, Japan.

Target ng top rated Tanaka ang ikatlong world belt kaya pipilitin niya ang impresibong panalo laban sa renked No. 12 na si Baldonado.

“WBO #1 Tanaka hopes to acquire his third world belt this year after he recently renounced his WBO 108-pound belt to pave the way for his previous challenger, Puerto Rican Angel Acosta to gain the WBO full championship prior to his bout with Juan Alejo on the undercard of the Miguel Cotto-Sadam Ali bout at Madison Square Garden last December,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I’m willing to challenge the WBO flyweight champion Sho Kimura to win my third belt within this year,” sabi ni Tanaka.

May rekord na perpektong 10 panalo na may 6 pagwawagi sa knockouts kikilatisin ni Tanaka ang Pilipino wala ring talo at may kartadang 10-0-1 na may 7 panalo sa knockouts.